Ang Nutrition Month na may temang "Pagkain Ng Gulay Ugaliin, Araw Araw Itong Ihain" ay hindi na bago sa paningin ng mga Seniors dahil sa apat na taon na namin sa sekondarya. Taon taon ay may mga selebrasyong ganito. Nariyan na ang mga pacontest tulad na lamang ng poster making contest, cook festival, Mr. and Mrs. Nutrition at iba pa. Ngunit ang pinakahihintay ng lahat ay ang Nutri- Jingle Competition na binubuo ng mga sections sa bawat year level. Nagcocompose sila ng kanilang sariling kanta at pati na rin ang kanilang choreography. Ngunit teka nga muna, ano nga ba ang layunin ng selebrasyong ito? Layunin ba nitong magkaroon ng mag- aaral ng mga ikalilibang? O kaya naman ay para malaman natin na ang nutrisyon ay napakahalaga sa ating katawan. Ang nutrisyon ay ang pagkuha ng mga sustansya ng pagkain papunta sa ating katawan. Upang tayo ay maging malakas, masigla at matalino. Mayroon tayong mga pagkaing nabahagi sa tatlo. Ang Go, Grow at Glow foods. Ang Go foods ay ang mga pagkaing nagpapalakas sa atin tulad na lamang ng tinapay, crackers, at kanin. Ang Grow foods naman ang tumutulong sa atin sa paglaki tulad ng gatas, karne, isda at itlog. Ang Glow foods naman ay ang tumutulong sa atin upang tayo ay tumalino. Kagaya na lamang ng mga gulay na napakahalaga para sa ating katawan.
Tandaan natin na ang kalusugan ay kayaman na hindi mananakaw ninuman. Pangalagaan ang ating kalusugan sa pagkain ng gulay araw araw.
Tandaan natin na ang kalusugan ay kayaman na hindi mananakaw ninuman. Pangalagaan ang ating kalusugan sa pagkain ng gulay araw araw.
No comments:
Post a Comment